Tuesday, July 29, 2014

Haba ng Hair


Paglabas ko kanina sa supermarket. Medyo marami akong dala. Then may 3 sidecar drivers doon na nag-aalok na sumakay ako ng sidecar.
"Ate sidecar ka na" SC1
"Ate Tugatog po!" SC2
"Dami mong dala miss. Sakay ka na."
Eh syempre umuulan plus ang dami ko pang pinamili edi gusto ko na talaga magsidecar. Tapos nag-unahan sila. Parang gusto na nga magbanggan e. Sasakay na sana ako sa nasa harapan kaso parang pinipilit ako nung dalawa na sa kanila na lang sumakay. Nagsimula na silang magmurahan. Huhuhu
Sobrang hirap mamili noh! Baka magtampo pa yung dalawa.
Anong ginawa ko? Naglakad na lang ako. Kung pwede ko lang kasi hatiin yung katawan ko sa tatlo para quits sila. Kung mayaman lang ako edi sana nagbayad na ako sa kanilang lahat para walang away. Para walang masaktan. Kaya ayun. Nagtiyaga na lang ako maglakad pauwi.

Dear kuya sidecar drivers,
Sorry po tinakbuhan ko kayo kanina. Hirap po kasing mamili. Pinaasa ko yata kayo. Lol. Sana po kapag may naunang makakuha ng pasahero sa inyo magpaubaya na yung iba. Huwag mag-away at magmurahan dahil don. May darating pa naman dyan. Hintay hintay lang :)
#Random #Kalokohan

No comments:

Post a Comment